Melo, nagbitiw na bilang Comelec chairman

IIWAN na ni Jose Melo ang posisyon niya bilang chairman ng Commission on Elections apat na taon bago matapos ang kanyang termino.

Ito ang kinumpirma nina Comelec commissioners Gregorio Larrazabal at Rene Sarmiento sa media nitong Miyerkules.

Magiging effective ang resignation ni Melo sa January 31, 2011.

Hindi umano ito ikinagulat ng kanyang mga kasamaha sa komisyon dahil matagal nang sinabi ito ni Melo sa Comelec en banc.

Ayon kina Larrazabal at Sarmiento, sinabi ni Melo na ang natitira niyang misyon sa Comelec ay masigurong magiging matagumpay ang May 2010 elections.

Napabalita kamakailan na nagbabalak ang Aquino administration na bigyan ng ambassadorial post ang 78 taong gulang na si Melo.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply