Metro Manila nasa terror alert level 2

NANANATILI sa alert level 2 o “moderate alert level” ang Metro Manila hinggil sa banta ng terorismo.

Ito ang pagbubunyag ni National Security Adviser (NSA) Cesar Garcia, na idinagdag na ito ay base sa ulat na may nakitang ilang miyembro ng Abu Sayyaf sa Metro Manila.

Tiniyak niyang walang kapabilidad na maglunsad ng pag-atake ang nasabing grupo.

Sa ilalim ng alert level 2, may monitoring ng pagpaplano pero walang kakayahang maglunsad ng pag-atake
ang isang terror group.

Sinabi pa ni Garcia na  nakatulong ang aktibong operasyon ng militar laban sa mga bandidong grupo kaya hindi makaporma.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply