Govt agencies take steps vs bird flu virus

NAGSASAGAWA na ang ahensya ng gobyerno ng bansa ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga pinoy  sa posibleng pagkalat ng avian influenza (bird flu) virus — matapos kumpirmahin ng mga Hong Kong officials na mayroon na silang kaso ng naturang virus.

Ayon kay National Epidemiology Center head Eric Tayag, nagsasanib puwersa na ang Health, Agriculture and Environment departments upang masiguro na mapanatiling bird flu-free ang bansa.

“We are keeping tabs on developments together with the Agriculture and Environment Departments,” ayon sa panayam kay Tayag sa dzBB.

Dagdag pa ni Tayag, ang naturang pagsasanib puwersa ay bukod pa sa pakikipatulungan nila sa Manila International Airport Authority (MIAA) na masala ang mga dumarating na pasahero na posibleng tagapagdala ng naturang virus.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang naturang virus na may kaugnayan sa A(H5N1), ay ay matinding panganib sa kalusugan ng isang tao na magiging sanhi ng kamatayan.
Iniiwasan din umano ang posibleng pagsasanib ng swine flu A(H1N1) virus at ng naturang virus na magbibigay ng matinding problema kapag nagkataon.

“Baka maghalo ang dalawang virus, baka maging mas mabagsik, baka yan magsama,” ayon pa kay Tayag.

Dagdag pa ni Tayag, ang bird flu ay nakamamatay kung saan naitala noong 1997 na nagkaroon ng naturang virus at 307  dito ang namatay.

Batay naman sa WHO, naisasalin ng ibon ang virus sa tao at nagkaroon na ng kaso nito noong 1997 sa Hong Kong kung saan  anim ang namatay. Umulit sa naturang bansa na may dalawa naman ang namatay.

Magtataglay ng acute respiratory stress syndrome ang pasyenteng mayroon ng naturang virus sa 48 oras.

“Di nakahahawa tao sa tao, ito ay sa bird to human,” dagdag pa ni Tayag.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply