Mga bayani sa Fire Bureau

ANG Bureau of Fire Protection ay isa sa mga attached agencies ng Department of Interior and Local Government. Batay sa RA 6975 (Sec. 53)  na inaprubahan ni Pang. Cory Aquino noong December 13, 1990, binubuo ang BFP ng  mga kasapi ng nasa fire service ng dating Integrated National Police sa ilalim ng PD 765.

Maselan at dakila ang mandato ng Fire Bureau (Sec. 54, ibid.). Ngunit masalimuot at marami ring kabalbalan ang nagaganap rito, lalo na kung malaking sunog sa mga lunsod o mga pabrika o mga katulad nito ang pinag-uusapan.

Maraming misteryo at raket ang madalas na kinasasangkutan ng pamunuan ng BFP at sanhi ng kanilang hidwaan. HATIAN ng pe-rang nakukulimbat sa sabwatan ng mga korap  na pinuno  ng BFD,  may-ari ng establisimyento, fire insurance companies at  pamunuan ng Office of the Insurance Commission.

Milyones ang pinagpapartehan ng mga damuhong nabanggit sa  ‘bigtime’ transactions tulad ng SINADYANG pagsunog ng isang nalu-luging  pabrika ng tela sa hangad ng may-ari na maka-recover sa fire insurance nito.

Kaugnay ng ganitong sunog, ang opisyal na pinag-babatayan ng insurance claim ay babayaran ba o  hindi ang incident investigation report  ng  Fire Chief  (Sec. 55, ibid.) at kaukulang testimonya ng mga opisyal nito.

Ngunit HINDI lahat sa organi-sasyon ng BFP ay mga bulok. Marami rin ang matitino, efficient at pinangangalagaan ang kani-kanilang career at reputasyon. Tulad ng hepe ng BFP na si Gen. Rolando Ban-dilla, Jr., CESO IV, at si Fsupt. Anderson Comar na nakatakdang maging hepe ng  BFD-Cebu City.

Kabi-kabila ang kasong (sa Om-budsman at DILG) ang kinakaharap ni Bandilla na pinagsasampa ng mga sindikato dahil sa mariin niyang pag-tanggi sa maruruming transakyon na inaaalok sa kanya.

Si Fsupt. Comar ay nakilala naman sa mga inobatibong pamamaraan kaugnay ng programa sa fire prevention/effective res-ponse na ikinaani niya ng  maraming parangal/rekognisyon. Kabilang na sa mga pinupuri nating bombero  sina F02 Ceasario Ceniza, F02 Romeo Birao, FO1 Walter Gaca-yan, F01 Ashley Lee, F01 Edilson  Sarvida at SF01 Rogelio Baran ng Cebu-BFP.

Dahil sa kanilang magandang reputasyon at  track  record,  posible silang mapabilang sa team na ipadadala ng gobyerno thru SILG indorsement sa Office of Civil Defense, sa Indonesia, kaugnay ng bagong tsunami na sumalanta rito kamakailan.

Gen. Bandilla, pakisilip ang gawain ni Edgar Fernandez ng Fire Protection Unit, Masinloc,  Zambales! Isang bar owner sa Brgy. Inhobol ang dumulog sa Rapidfire at inireklamo ang pamimilit na bilhin ang binebenta nitong fire hydrant at kung hindi ay mahihirapang mag-renew ng mayor’s permit. Kinumpiska pa nito ang fire hydrant ng club. Kung   totoo ito, abuse of authority, robbery thru intimidation at paglabag sa anti-graft law ang ginagawa ni Fernandez. Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply