Mga gustong mag-OFW sa Haiti, binalaan ng DFA

NAGBABALA nitong Miyerkules ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga gustong maging overseas Filipino workers (OFW) na huwag maakit sa matatamis na pananalita ng illegal recruiters na nagsasabing may job opportunites sa Haiti.

Tiniyak ni DFA spokesman Eduardo Malaya na walang job opportunities sa nasabing bansa dahil na rin sa krisis na pinagdadaanan nito.

Sinuportahan ni Philippine Ambassador to Cuba Macarthus Corsino ang pahayag ni Malaya.

Samantala, batay sa ulat na natanggap ng DFA, walang Pilipino ang naapektuhan ng cholera outbreak sa Haiti.

Ayon kay Corsino, nakaalerto ang Filipino communities sa Haiti at maigting ang pag-iingat nila sa kalusugan upang huwag madapuan ng sakit.

Umaabot na sa humigit kumulang sa 300 Pilipino ang nasa Haiti at mahigit sa kalahati sa kanila ay pawang miyembro ng contigent sa United Nations Stabilization Mission sa nasabing Caribbean country. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply