Mga guwardya ng NAIA sangkot sa Bundol Gang

Iniimbestigahan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tatlong security guard mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang kuwestiyunin hinggil sa pagkakadawit  sa modus operandi ng carjacking group na tinaguriang Bundol Gang.

Ang imbestigasyon sa mga security guard ay matapos makakuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon si NCRPO Chief Supt. Nicanor Bartolome mula mismo sa mga miyembro ng Bundol Gang, na ang mga guwardya ang nagsisilbi nilang tipster kung sino ang potensyal na bibiktimahin.

Sinabi ng suspek at lider ng gang na si Allan Aristorenas, ang mga guwardiya mismo ang nagpapadala ng text messages sa kanila ng plaka ng bibiktimahin, at kanila naman itong inaabangan sa Nayon Filipino para isagawa ang naturang krimen.

Hindi pa binanggit ni Bartolome ang pangalan ng dalawang security guard habang inaantabayanan ang paglabas ng warrant sa mga ito. (Johnny F. Arasga)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply