Mga Isda sa Bulusan napinsala dahil sa Lahar

LUMALALA ang pinsala sa mga isda bunsod ng pagdaloy ng lahar mula sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol Director Dennis del Socorro, partikular na apektado ang mga isda sa may ilog sa Juban, Casiguran at Irosin, kung saan napinsala nang husto ang mga dalag at tilapia.

Natuyo na rin ang mga ilog na dinaluyan ng lahar kung saan marami ang naglutangang isda.

Kaugnay nito, tutungo ang isang grupo ng BFAR upang alamin ang lawak ng pinsala sa mga isda.

Pinayuhan na rin ng BFAR ang mga residente ng naturang lugar na  huwag nang kainin ang mga naglutangang patay na isda dahil baka makaapekto ito sa kalusugan.

Kung may mga buhay namang isda na makukuha ay mainam na hugasan itong mabuti, tanggalin ang bituka at lutuing mabuti bago kainin.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply