Mga kawani ng NAIA, dawit sa Bundol Gang

POSIBLENG sangkot sa sindikato ng Bundol Gang ang ilang kawani ng Ninoy Aquino International Airport.

Dahil dito, iimbestigahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilang kawani ng NAIA. Ayon kay NCRPO Director C/Supt. Nicanor Bartolome, posibleng may kasabwat sa paliparan ang Bundol Gang dahil kumukuha ng tips ang mga ito kung sino ang kanilang bibiktimahin.

Ayon kay Bartolome, malaki ang posibilidad na malapit nang malansag ang naturang grupo matapos ang pagkakaaresto sa sinasabing lider nito na si Allan Arestorenas at tatlo pang kasamahan nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply