Mga laban ni Pacquiao dapat sa Pinas na ganapin

KUNG masusunod ang nais ng dalawang senador, lahat ng susunod na malalaking laban ni Manny Pacquiao at ng iba pang Pilipinong boksingero ay sa Pilipinas na gaganapin.

Inihain kamakailan nina Sen. Manuel Villar at Sen. Gregorio Honasan ang Senate Resolution No. 290 na naglalayong gawing boxing capital ng mundo ang Pilipinas.

Hiningi ng dalawang mambabatas sa Senate Committee on Tourism, Games and Amusements and Sports na pag-aralan ang mungkahi upang lumakas ang industriya ng turismo at ekonomiya ng Pilipinas.

“Inaatasan ang naturang komite na tignan kung may posiblidad na ganapin sa Pilipinas ang lahat ng mga susunod na laban ni Rep. Manny Pacquaio at iba pang Filipino boksingero, at gawing Boxing Capital ang bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa buwis sa mga fighter at kanilang promoter na siyang maghihikayat sa dayuhang boksingero na dumayo sa ating lupain at labanan ang ating mga kampeon,” giit ng dalawang senador.

Kamakailang nasungkint ni Pacquaio ang ika-walong titulo nito sa boksing matapos talunin si Antonio Margarito sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply