Mga lalahok sa protesta laban sa number coding scheme tatanggalan ng prangkisa

BABAWIIN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga prangkisa ng mga bus na lalahok sa welga sa Lunes, Nob. 15 upang magprotesta sa pagpapatupad ng Manila Development Authority (MMDA) sa number coding scheme sa mga pampublikong bus.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Nelson Laluces, lalabagin umano ng mga magwewelgang bus operator ang Public Service Act, kung saan isa sa kondisyon sa pagbibigay ng prangkisa na tiyaking hindi makokompromiso ang public service.

Dagdag pa ni Laluces,  hihingan nila ng paliwanag ang mga bus operator kung saan padadalhan mismo sila ng sulat sa hindi nila pagbiyahe. Kapag napatunayang may paglabag ngang ginawa, maaari nilang suspendihin o tuluyang bawiin ang inisyung prangkisa sa mga ito.

Dagdag pa ni Laluces, hindi umano nakipag-usap ang mga bus operator sa kanila bago ikinasa ang transport strike at sa balita na lang nila nalaman.

Umapela si Laluces sa mga bus operator na huwag na lang ituloy ang transport strike.
Kaugnay nito, sinabi naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino na bukas pa rin sila sa dayalogo sa mga grupong kumukontra sa number coding scheme.

Magiging maayos din umano ang pagpapatupad ng number coding scheme sa Lunes kung saan makikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP).

Nakatakda ring magbigay ng special permit ang LTFRB sa mga bus upang hindi maapektuhan ang mga pasahero sa isasagawang welga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply