Mga libingan dinumog kahit pa umuulan

HALOS di mahulugan ng karayom dahil sa dami ng taong dumadalaw sa loob ng sementeryo sa kabila ng makulimlim na langit upang matirikan ng kandila at mag-alay ng bulaklak sa puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay.

Ayon naman kay MPD officer-in-charge (OIC) Chief Supt. Roberto Rongavilla,tinatayang halos 500 kapulisan at 1,000 volunteers,traffic enforcers at barangay tanods naman ang itinalaga sa mga sementeryo sa Maynila para sa seguridad ng mga dumadalaw.

“Nagsimula kami ng aming operation para sa undas called Task Force Kaluluwa at ito po ay magiging effective hanggang Martes ng gabi. Our added force will include barangay tanods to intensify our visibility patrol,” ayon kay Rongavilla.

Aniya,ang mga law enforcer ay magsisilbing mata ng apat na major cemeteries sa lungsod at ito ay ang North,South,la Loma at Chinese Cemetery sa araw ng All Saints at All Souls Day.

Gayunman,muling pinaalalahanan ang mga dumadalaw sa kani-kanilang mahal sa buhay na huwag magdala ng nakamamatay na armas, alak, gambling paraphernalias at maging ang nagdudulot ng maiingay na sounds ay ipinagbabawal din sa loob ng sementeryo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply