Mga paputok sa Pasko parang bomba ni Uncle Sam sa Iraq

PILIT nating sinilip ang talagang nangyari na pagsabog ng mga paputok sa isang bahay sa Brgy. Marungko, Angat, Bulacan.

Bumagsak at nawasak ang gusali.

Bumagsak ang bahagi na may sekon plor.

Walang nagawa ang kongretong bahay sa lakas ng mga paputok na sumabog kundi sumambulat.

Nadamay rin ang iba pang mga bahay.

Nadaganan ng bumagsak na dinding ang isang bahay at ikinamatay ito ng isang tao.

Kung makikita ninyo, Suki, ang nangyari sa Angat, parang pinabagsakan ni Uncle Sam ang bahay ng bombang 1,000 kilo ang timbang.

Parang bilding sa Iraq na nabomba yun noong hinahanap ni Uncle Sam si Saddam.

Hindi pa nawawala ang usok at amoy ng pulbura sa Angat, may pumutok namang pagawaan ng mga paputok sa Brgy. Sto Niño.

Mabuti na lang at nakatakas ang mga tatlong manggagawa roon.

Kubo-kubo lang ang pagawaan doon.

Katulad ito ng maraming pagawaan ng paputok sa Bocaue, Sta. Maria at iba pang bayan sa Bulacan na matatagpuan karaniwan sa mga bukid o kadawagan.

oOo

Ipinaaalala sa atin, Suki, na napakadelikado ang paputok.

Karugtong ng nabanggit na pangyayari ang halos taon-taong pagkakaroon ng pagsabog at sunog sa mga tindahan ng paputok hindi lang sa mga lalawigan kundi sa mga lungsod na rin, kabilang na ang Metro Manila.

Dahil nga sa napakadelikado ang bagay na ito, kumilos sana nang buong istrikto ang mga kinauukulan ukol
sa paggawa, pagtitinda at pagbibiyahe ng mga ito.

Itong mga pulis at inspektor ng mga pagawaan,  tindahan at pagbibiyahe ay di dapat na mang-tongpats para maging maluwag sila sa trabaho.

Yung hanapan ang mga gumagawa, nagtitinda at nagbibiyahe ng mga kaukulang papeles ang dapat na istriktuhan ng mga ito.

Hindi yung mamasko ng mga paputok kapalit ng kaluwagan nila.

oOo

Pero alam ba ninyo ang higit nating inaalala?

Ang pagsasamantala ng mga mamamatay-tao.

Hindi na nila kailangan na kumuha ng mga malalakas na bomba na gamit ng mga militar o pulis.

Bibili lang sila ng marami sa mga tindahan ng paputok, ibibiyahe ang mga ito nang ligal at doon na sila pupuwedeng magsimulang mamerhuwisyo.

Nakupo!

Derpor ang mensahe natin, eh, tingnan ng mga kinauukulan kung para saan talaga ang mga binibiling paputok, lalo na kung maramihan ang mga ito.

Op kors may mga lehitimong mamimili at, in pak, may suki para rito ng mga nagtitinda at gumagawa. Pero dapat na maliksi sa pagkapa ng mga nagtitinda, pulis at iba pa kung sino-sino ang mga bumibili, umoorder at binibigyan nila ng lisensiya, travel permit at iba pa.

Para malinaw, Suki, inaaalaala natin ang mga terorista at gawain ng mga ito na magpasabog para lang may mamatay at may matakot na mamamayan sa kanila.

At kung ilang beses na rin tayong naging biktima sa kanilang mga kamay.

oOo

O kayong mga awtoridad lalo na, ano-ano na ba ang inyong pinaggagawa upang maging ligtas si Juan sa kamay ng mga namamasko kay kamatayan.

Kilos na! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply