Mga pasahero ng LRT, dumami pa dahil sa number coding sa PUB

Tumaas ng mahigit limang porsyento ang bilang ng mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) mula nang ipatupad ang Number Coding Scheme sa mga pampasaherong bus sa Metro Manila.

Ayon kay LRT Line 1 Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, may average na 504,000 ang bilang ng mga sumasakay sa LRT kada araw ngunit simula nang ipatupad ang number coding sa mga pampasaherong bus noong Lunes, umabot na sa 532,952 ang bilang ng kanilang mga pasahero kada araw.

Bukod aniya sa LRT Line 1, tumaas din ang bilang ng mga pasahero sa LRT Line 2.

Mula sa dating 206,000 kada araw, umaabot na sa 208,590 o mas mataas ng isang porsyento ang bilang ng mga sumasakay sa LRT Line 2 simula noong Lunes.

Samantala, inihayag ni Cabrera na pinag-aaralan na rin ng pamunuan ng LRT na palawigin muli ng hanggang alas 11:00 ng gabi ang operasyon ng kanilang mga tren sakaling magtuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga pasahero. Report from Henry Atuelan, Radyo Patrol

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply