Mga pirated copy ng VCD at DVD ng laban nina Pacquiao-Margarito nakumpisa sa Quiapo

NASA 500 sako ng mga pirated na kopya ng VCD at DVD ng iba’t ibang pelikula, kasama na ang pinakahuling laban nina Manny “Pacman” Pacquiao at Antonio Margarito ang nakumpiska ng Optical Media Board (OMB) sa isinagawang pagsalakay sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay OMB Chairman Ronnie Ricketts, may natanggap silang impormasyon kahapon na may magbabagsak ng mga piniratang kopya sa nasabing lugar partikular ang laban nina Pacquaio at Margarito kaya agad silang gumawa ng operasyon laban dito.

Bukod sa mga piniratang VCD at DVD, dalawang burner din aniya na ginagamit sa pagkopya ng mga piratang pelikula ang nakumpiska at dalawang iba pa ang kusang isinuko sa mga otoridad.

Umaapela naman si Ricketts sa publiko na huwag tangkilikin ang mga piniratang kopya ng mga pelikula.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply