Mga piskal na itinalaga ng DOJ pinagbibitiw

Hiniling ng kampo ng Alpha Phi Omega fraternity ang pagbibitiw  ng mga piskal na itinalaga ni Justice Secretary Leila de Lima na mag-imbestiga sa La Salle blast noong Setyembre 26, 2010.

Sa inihaing motion for inhibition ni Atty Jeffrey John Zarate,  abogado ni Anthony Nepomuceno,  dapat na ilipat  ang pagdinig sa Manila City Prosecutors Office na mayroon din namang kaparehas na kapangyarihan o equal authority na humawak  ng preliminary investigation upang maging patas ang pagsisiyasat sa insidente.

Paliwanag ng abogado, ang hakbang  ay dahil sa patuloy na pagsasalita ni de LIma sa media tungkol sa kaso, na mistulang nagdidiin na guilty na sa krimen si Nepomuceno.

Giit pa ni Zarate, kahit na mayroong legal mandate na mag imbestiga, mag usig at  administration of probation saka correctional system, ay hindi pa rin hukom si de Lima upang magbigay ng hatol kung  guilty o inosente ang respondent, lalo na sa unang hakbang ng preliminary investigation.

Matatandaang binigyan pa ng taning ng kalihim ang APO upang ilantad ang mga kasabwat ni Nepomuceno sa pambobomba sa huling araw ng bar examinations.

Bagay na mariin namang tinututulan ng mga opisyal ng kontrobersiyal na fraternity na kinaaaniban nina Vice President Jejomar Binay, dating justice secretary Silvestre Bello at APO elder and spokesman  na si Ferdie Ramos.

Nauna nang nagtalaga si de Lima ng prosecutor na hahawak sa preliminary investigation ng kaso ni Nepomuceno at itinakda ang pagdinig sa Nobyembre 22, dakong alas 2 ng hapon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply