Mga premyadong aktor, kalaban ni Sam Milby sa 2010 Cinema One Originals Filmfest

HINDI nagpapatalbog ang Cinema One dahil ang 2010 Cinema One Originals Film Festival ay humahataw.
Bagamat pito lang ang opisyal na kalahok ang pestibal, piling-pili naman ani Ronald Arguelles, ang pinuno ng movie cable channel na ito, ang mga pelikulang kasali.
Ngayon ngang taong ito ay mga sikat na aktor ang maglalaban-laban sa best actor category.
Mapanatili kaya ni Ronnie Lazaro ang kanyang korona bilang Best Actor nang ipamalas niya ang kanyang galing sa “Yanggaw” ni Richard Somes dalawang taon na ang nakakaraan?
Sa muling pagdidirek kay Ronnie ni Richard sa pelikulang “Ishmael,” siya pa kaya ang Best Actor o iba na?
Dahil santambak ang kalaban ni Lazaro sa kategorya. “The more, the merrier,” sabi ni Ronnie.
***
Ang isa sa mahihigpit na katunggali ni Lazaro sa pag-akting sa pangunahing aktor ay si Sam Milby.
Bida si Sam sa “Third World Happy” na idinidirek ni EJ Salcedo. ““My character is a lost soul who is a truly gifted artist. Imagine, he lost his parents at the time he got his biggest accomplishment. That gives him a painful irony. I’d like to show onscreen how I could fill that void in my role as Wesley,” pahayag ni Milby na anya’y ginampanan niya nang mataginting.
Pero bilib ang batang aktor sa mga kasamahang bating na aktor tulad nina Archie Adamos at Richard Quan kaya ang kanyang paglaban kay Ronnie ay isang bagay na nagpapaliit sa kanya.
Pero hindi niya anya bibiguin ang kanyang mga tagahanga sa kanyang pagganap sa papel. “Since I’m surrounded by many seasoned and mostly theatre actors and the energy of our director is contagious and our movie is entirely different from my mainstream ones, nothing here restrains us from doing a movie that’s worth watching,” wika ng poging bituin.
***
Pero hindi rin magpapatalbog ang mga tulad ni Pen Medina na nominado rin tiyak sa best actor para sa “Layang Bilanggo.”
Pati na ang teen-age sensation at mahusay na dancer na si Aaron Villaflor ay lalaban sa timpalak bilang si “Astrong Mayabang” sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.
Hindi rin magpapahuli ang aktor na si Martin del Rosario para sa pelikulang “Dagim” ni Joaquin Pedro Valdez samantalang ang paslit na si Martin de los Santos, ang bida sa “Ang Post Office” ng PETA ay hindi magpapahuli kina Sam at Ronnie sa “Tsardyer” ni Sigfreid Barros-Sanchez.
Maraming pumupuri sa child star na si Martin sa pag-arte at panenerbiyusin niya sina Milby at Lazaro.
***
Sa mga lahok sa 2010 Cinema One Originals Film Festival, tanging ang “Ishmael” lang ang hindi nagsumite ng pinal na iskrip sa Executive Producer na si Arguelles.
Pero binigyan na agad ang direktor ng kalayaan na sige, humayo ka at gawin mo na ang pelikula.
“Babasahin ko rin ang final script niya,” sabi noon ni Ronald sa isang di-pormal na panayam.
Samantala, si Pen ay hindi na nakipagtalo sa kanyang direktor sa ending ng “Layang Bilanggo.”
Binawasan na lang ang kanyang araw sa shooting at ‘yon, tapos na ang kanyang partisipasyon bilang bida sa istorya.
Gaano naman katotoong may isang produksyon na kalahok na ang ipinakakain lang sa mga artista at production staff ay munggo at isang isdang prito?
MASCULADOS MEMBER BOC INCIONG, PALAG SA SERBISYO NG LAS PINAS MEDICAL CENTER
Galit na galit ang isa sa mga orihinal na miyembro ng Masculados na si Bok Inciong sa Las Piñas Medical Doctors na pinagdalhan niya sa kanyang amang si Virgilio Inciong na namatay rin matapos ang ilang araw sa ospital.
“Buti pa, sa Parañaque City Medical Center na lang namin dinala si Papa. Baka buhay pa siya hanggang ngayon.
“Imagine, sa Las Piñas, ni hindi man lang nabigyan ng gamot si Papa sa high blood. Ang sabi no’ng staff, wala pa raw order ‘yong doktor na naka-assign sa room niya.
“E, na-high blood na nga ‘yong matanda. Kailangan daw, e, 160/100 ang pasyente para bigyan ng gamot na pampababa sa high blood. E, 140/90 na nga ‘yong tatay ko, puwede na ring bigyan ‘yon ng pang-high blood. Kaso, hindi nila ginawa kaya ‘yon, sa high blood namatay ang tatay namin,” pag-uulat ni Bok.
Nakahimlay ngayon sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Park sa Parañaque ang ama ni Bok at nakipaglamay na sina Mystica at Ryan Yllana.
Hinihintay na lang na dumalaw sina Roselle Nava, Alma Moreno, Jason Webb, Val Sotto at iba pa.
Nakadalaw na si Mayor Jun Bernabe at bati na sila ni Bok, ayon sa balo ni Conrad Poe na si Zeny Marcelo-Poe. Boy Villasanta

MASCULADOS MEMBER BOC INCIONG, PALAG SA SERBISYO NG LAS PINAS MEDICAL CENTER Galit na galit ang isa sa mga orihinal na miyembro ng Masculados na si Bok Inciong sa Las Piñas Medical Doctors na pinagdalhan niya sa kanyang amang si Virgilio Inciong na namatay rin matapos ang ilang araw sa ospital.
“Buti pa, sa Parañaque City Medical Center na lang namin dinala si Papa. Baka buhay pa siya hanggang ngayon.
“Imagine, sa Las Piñas, ni hindi man lang nabigyan ng gamot si Papa sa high blood. Ang sabi no’ng staff, wala pa raw order ‘yong doktor na naka-assign sa room niya.
“E, na-high blood na nga ‘yong matanda. Kailangan daw, e, 160/100 ang pasyente para bigyan ng gamot na pampababa sa high blood. E, 140/90 na nga ‘yong tatay ko, puwede na ring bigyan ‘yon ng pang-high blood. Kaso, hindi nila ginawa kaya ‘yon, sa high blood namatay ang tatay namin,” pag-uulat ni Bok.
Nakahimlay ngayon sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Park sa Parañaque ang ama ni Bok at nakipaglamay na sina Mystica at Ryan Yllana.
Hinihintay na lang na dumalaw sina Roselle Nava, Alma Moreno, Jason Webb, Val Sotto at iba pa.
Nakadalaw na si Mayor Jun Bernabe at bati na sila ni Bok, ayon sa balo ni Conrad Poe na si Zeny Marcelo-Poe. Boy Villasanta

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply