Mga pro at anti-RH bill, muling nagharap

MULING nagpalitan ng opinyon ang mga pabor at tutol sa Reproductive Health (RH) Bill sa University of Manila (UM).

Sa naturang talakayan na dinaluhan ng mga estudyante ng Far Eastern University (FEU) at UM, iginiit ni Bacolod Congressman Anthony Golez na abortifacient o nakakatulong sa pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan ang ilang contraceptives na isinusulong ng mga pro-RH Bill gaya ng condom, pills at IUD.

Bilang tugon naman, sinabi ni dating Akbayan Partylist Representative Rissa Hontiveros-Baraquel na ang mga pro-RH Bill lawmakers ang tunay na pro-life dahil layon lang naman ng mga itong mapigilan ang patuloy na tumataas na bilang ng mga kababaihang namamatay dulot ng komplikasyon sa panganganak.

Sa panig naman ng Simbahang Katolika, inihayag ni Novaliches Bishop Teodoro Bacani na hindi naman talaga nila hinaharang ang RH Bill kundi ang mga probisyon nito na nagsusulong ng aborsyon sa pamamagitan ng pag-inom at paggamit ng mga contraceptive.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply