Mga PUB nag-strike, libong pasahero sa Metro Manila stranded

LIBU-LIBONG pasahero sa iba’t ibang dako ng Metro Manila ang walang masakyan dahil sa isinasagawang strike ng mga public utility bus (PUB), umaga ng Lunes, upang tutulan ang number-coding scheme.

Sa dakong Fairview, Quezon City, nakalinya sa kahabaan ng kalsada ng naturang lugar ang mga pasahero matapos umayaw ang mga PUB na pasakayin ang mga ito dahil sa paglulunsad ng protesta sa pagpapatupad ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  na number-coding scheme.

Ayon sa radio report, puno ang kahabaan ng sidewalk ng Edsa ng mga pasaherong nag-aabang ng kanilang masasakyan.

Nangako ang Integrated Metro Bus Operators Association (IMBOA) na maglulunsad sila ng malawakang protesta ngayon upang mapakinggan ang kanilang tinig laban sa number-coding scheme ng mga PUB. Ang naturang number coding ay ipatutupad mula 7 a.m. hanggang 7 p.m. kung saan walang window hours.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply