Mga senador bilib kay Cong. Pacman

Nagkorus sa pagpuri ang  ilang senador  nang makopo ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa ika-8 World Title sa magkakaibang dibisyon matapos masungkit ang  World Boxing Council (WBC) super welterweight championship strap kahapon sa   Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Sinabi ni Sen. Juan Miguel Zubiri, hindi lamang pinakamahusay na boksingero si Pacquiao, kundi ipinakita din niya sa buong mundo na may puso siya sa kalaban dahil maaari na niyang pabagsakin nang todo si Antonio Margarito, ngunit iniwasan ito ng kongresista,

“Manny Pacquiao shows that he is not only the best boxer in the planet but the boxer with the biggest heart! “ ayon kay Zubiri.

“Once again, Manny prove to us that he is the most famous and well loved Filipino all over the world and that he is all class and all heart.  Mabuhay pacquiao, Mabuhay Pilipinas,” dagdag ni Zubiri.

Humanga din si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada kay Pacquiao sa pagsasabing may mahusay na determinasyon ang kongresista upang “tuluyan” si Margarito na siyang nagbigay karangalan sa lahing Filipino.

“He showed his determination, courage and ability to demolish Margarito. He made the Filipino people very proud once more,” ayon kay Estrada.

Sinabi naman ni Sen. Loren Legarda na dapat tularan ng mga Filipino ang personal na karakter ni Pacquiao sa pagsasanay at paghahanda ng kanyang mga laban na siyang naghatid sa kongresista sa tagumpay.

“Manny’s triumphs anchored on discipline, preparation, commitment, optimism and constant prayer should remind us that these actions and personal characteristics are a prelude to success in any form or manner and can make one a champion,” giit ni Legarda. (Ernie Reyes)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply