MIAA nakaalerto na sa bird flu virus

BUNSOD ng nalalapit na Kapaskuhan, pinaigting na ang seguridad at nakaalerto na rin ang mga awtoridad sa mga paliparan sa posibleng pag-atake ng mga terorista at maaaring pagpasok ng bird flu virus sa bansa.

Ayon kay Manila International Airport Authority general (MIAA) manager Jose Angel Honrado, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health upang masiguro na masasala ang mga dumarating na mga overseas Filipino workers partikular na ang galing sa Hong Kong.

Nabatid na libu-libo ang mga oFws na nagtatrabaho ngayon sa Hong Kong, kung saan kinumpirma ng naturang bansa ang pagkakaroon nila ng kauna-unahang kaso ng human bird flu.

“The bird flu issue may complicate things. But hopefully we will be able to address it. Arrivals are starting to peak, especially because overseas Filipino workers are coming home,” ayon sa panayam sa radio ni Honrado sa dwIZ.

Dadaan sa thermal scanner at kukuhaan ng temperature sa pamamagitan ng ear thermometers ang mga paparating na balikbayan maging ng mga turista.

Dagdag pa ni Honrado, nakaalerto rin ang mga awtoridad dahil na rin sa posibleng pag-atake ng mga terorista sa bansa.

Nilinaw naman ni Honrado na kahit may mga bantang panganib, ibibigay pa rin nila ang mainit na pagtanggap sa mga balikbayan.

“We have to integrate everything and make sure coordinated ang galaw namin ,” dagdag pa nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply