Mister na ginabi ng uwi grinipuhan ni misis

NAMILIPIT sa matinding sakit ang 35 anyos na mister nang undayan siya ng saksak ng kanyang misis gamit ang screw driver matapos itong hindi maniwala sa kanyang paliwanag kung bakit siya atrasadong umuwi sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jofiel Vergara samantalang nakatakas ang misis nito na si Josephine, 35 anyos.

Sa report na natanggap ni P/Supt. Rogelio “Jojo” Rosales, Station Commander ng Moriones Police Station 1 ng MPD, dakong 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng mag-asawa sa Road 10 sakop ng Barangay 123 sa Tondo.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na nainip sa kahihintay si misis sa pagdating ng kanyang mister.

Kaya nang bumungad ito sa pintuan ay sinalubong ng nagtatalak na misis na agad nagtanong kung bakit siya ginabi.

Kaswal namang sumagot ang lalaki na sa trabaho lang siya nanggaling subalit hindi naniwala ang ginang at pinagbintangan ang una na nambabae.

Upang hindi na humaba pa ang usapan, nagpasyang lumabas ng bahay ang biktima pero hinarang siya sa pinto ng kanyang misis na noon ay armado na ng screw driver at tinarakan siya sa dibdib. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply