Mister nagbigti dahil sa problema

SULIRANING pampamilya ang dahilan upang magbigti ang isang mister sa Valenzuela City.

Patay na nang makita ang biktimang si Emerito San Jose, 38, ng Uritia st., Karuhatan, ng naturang lungsod.

Sa ulat, dakong 1:00 ng madaling-araw nang makitang nakabigti ng nylon cord ang biktima sa kusina ng kanyang misis na si Verna.

Nagising si Verna na wala sa tabi ang asawa at nang hanapin niya ay laking gulat nito nang makitang nakabigti na ang kanyang mister.

Sinasabing family problem ang dahilan nang pagpapatiwakal ng biktima kung saan inaalam pa ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. Rene Manahan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply