Miyembro ng OWWA na nasalanta ng bagyo tatanggap ng calamity assistance

TINIYAK ng Overseas Worker & Welfare Administration (OWWA) na makatatanggap ng calamity assistance ang mga miyembro nito na nasalanta ng dumaang bagyong Juan.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, tatanggap ng P5,000 ang bawat miyembro na dumanas ng kalamidad sa Cordillera Autonomous Region, Regions 1 at 2 bilang tulong at para maitaguyod ang kanilang kabuhayan.

Ipinaliwanag naman ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, taga-pangulo ng OWWA board, ang pamamaraan nang pagkuha ng tulong ay dapat na madaliin para agad na ma-encash ang tseke. Inatasan na rin ng OWWA regional office ang bawat miyembro na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang matiyak na ang bawat miyembro lamang ng OWWA na nasugatan at napinsala ng bagyo ang makatatanggap ng calamity assistance. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply