MMDA at lokal na trapik enporser naglalaho sa oras ng baha at trapik

NASAAN ang mga trapik enporser sa oras ng ulan at baha?

Nasaan ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority at ng mga lokal na pamahalaan habang nagkakabuhol-buhol ang trapiko sa ilalim ng ulan at ibabaw ng baha?

Wala sila, Suki.Wala ni kahit anino man lang ang makita.

Ganyan sila kagaling bilang pablik serbants.

Magaling sa salita pero sa oras ng disgrasya, naglalaho silang parang bula.

Ngayon, nakita kaya ng Metro Manila Development Manila Authority at ng mga lokal na bosing sa kanilang opisina ang grabeng baha kahapon ng hapon hanggang gabi?

Oo naman siguro. Ngunit sa kanilang opisina siguro dahil marami silang CCTV na ikinalat sa Metro Manila.

Pero hanggang doon  lang.

Bakit? Aba, eh ano ang silbi ng kanilang monitoring kung wala naman silang mga tao na mautusan upang ayusin ang grabeng trapik sa mga lansangan?

In short, Suki, hindi pala maaasahan ang mga ito sa oras ng pangangailangan.

Epektib lang ang mga bo-sing sa mga oras na normal ang trapik at walang ulan at baha. Nagpapakita lang naman ang kanilang mga tauhan kung normal ang trapik at walang baha.

Bakit naman?

Sa parte ng mga trapik enporser, para manghuli kuno sa mga trapik bayoleytor.

Para magkaroon ng malaking porsiyento sa halaga ng mga multa sa mga trapik bayolesyon kuno.

Ganundin na nagkakapera ang mga baul ng mga lokal na pamahalaan sa huli ng kanilang mga tauhan.

Eh tatadtarin ka ba naman ng bayolesyon, di marami silang makokomisyon at makukulektang multa!

oOo

Kung seryoso ang MMDA at mga lokal na pamahalaan sa kanilang trabaho para maging maayos ang trapik sa Metro Manila, dapat na kilalanin nila ang mga trapik enporser na walang kuwenta.

Dapat na suspendihin o kaya’y pagsisibakin ang mga ito sa empleyo at palitan sila ng mga tapat sa tungkulin.

Hindi dapat pabalikin o panatilihin sa empleyo ang mga enporser na nawawala sa oras ng pangangailangan.

Hindi sila kailangan sa normal na trapik dahil meron namang mga trapik layt na gabay ng mga motorista.

O MMDA Tserman Francis Tolentino, pinapahiya ka ng iyong mga tauhan na nag-aastang Diyos kung manghuli para lang mangomisyon.

Onorabol meyors, paano rin ang inyong mga tauhan?

Ang susuplado ng mga ito sa paghuli ng mga trapik bayoleytor pero wala sila sa oras ng disgrasya.

oOo

Natapos na nga pala ka-hapon ang unang anibersaryo ng Maguindanao masaker.

Pero magpapatuloy ang paggunita sa malagim na pangyayari lalo’t mas makupad pa sa pagong ang pagtakbo ng katarungan para sa mga biktima.

Hanggang walang tulu-yang makukulong sa mga maykagagawan sa kahayupang ginawa sa 58 inosenteng sibilyan, kabilang na ang mga 32 batang media, mananatiling buhay ang anibersaryo.

“We will never forget” ang pangyayaring ito na naging matinding pagsubok din sa lahat ng mga batang media.

Itinaon ang pagpaslang sa mga batang media habang gumagampan sila ng kanilang mga tungkulin: ang maghatid ng balita, kabilang na ang mga kabulukan ng mga onorabol na karaniwang utak ng pagkitil sa buhay ng mediamen bilang pinakaultimo na anyo ng censorship sa kanila. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply