MMDA chair may death threats daw

MATAPOS ipatupad ang number coding scheme sa pampasaherong sasakyan, nakatatanggap na umano si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ng mga death threats.

Ayon sa panayam sa radio kay Tolentino, galing umano ang pagbabanta sa mga bus operator na tinamaan ng naturang proyekto.

Sa kabila nito, muling nanawagan sa publiko si Tolentino na maging mapagpasensya sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga lansangan lalo na sa EDSA.
Dapat aniyang bigyan ng pagkakataon ang mga proyekto ng MMDA dahil wala namang agarang solusyon sa problema sa trapik.

Inihayag ni Tolentino na hindi nagpapabaya ang MMDA sa paghanap ng mga solusyon sa trapik katulad ng kanilang isinasagawang Traffic Management Summit.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply