MMDA kinatigan ni JPE kontra bus operators

NAKAKUHA ng kakampi ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa plano nitong i-take over ang lahat ng bus na lumahok sa welga at sumusuway sa number coding scheme upang maayos ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Sa panayam, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na legal at nakapaloob sa Saligang Batas ang kapangyarihan ng gobyerno na i-take over ang anumang public utility kung nakakaapekto ang pangyayari sa interes ng publiko.

“It’s in the Constitution. Dapat ‘yun ginawa nila. Iwanan mo ‘yung mga bus mo sa kalye. I will send the military drivers to run the buses and then deliver the money to the owner of the bus,” giit ni Enrile.

“Nangyari na yan sa amin ‘noong panahon ng Martial Law. Nagkaroon ng jeepney and bus strikes sa atin. Paralyzed ang traffic. Alam mo ba ang traffic noon from Sta. Cruz to Los Banos and from Los Banos to Pateros,” dagdag niya.

Kamakailan, lumahok sa welga ang maraming bilang ng bus sa EDSA laban sa number coding scheme na ipinatutupad ng MMDA na siyang nagparalisa sa sistema ng transportasyon sa EDSA.

Sinabi ni Enrile na walang magagawa ang sinumang  bus operator kapag kinuha ng pamahalaan ang kanilang mga bus dahil tungkulin at responsibilidad ng gobyerno na maghatid ng sistema ng transportasyon alinsunod sa batas.

“You take over all the buses, ano magagawa nila? Every public utility is subject to take over by the government when public interest is involved, ” giit ni Enrile, isang abogado. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply