Mon Confiado, walang kaalam-alam na may relasyon na sina Ynez Veneracion at Esmael Mangudadatu

KUNG gano’n pala’y tatlong taon nang hiwalay sina Mon Confiado at Ynez Veneracion pero ang lumalabas pag magkasama sila sa pelikula, lakaran, premiere night, party at iba pang piging ay nagbabalik-balik ang relasyon nila.

“Tatlong taon na po kaming break ni Ynez. Wala na po kaming relasyon kundi magkaibigan na lang kami,” pahayag ni Mon.

“Sa isyu po na sila ni Governor Esmael Mangudadatu ay mag-asawa na, wala po akong kaalam-alam do’n. Wala pong sinasabi si Ynez sa akin tungkol do’n. Naririnig ko nga po na may relasyon na sila pero wala namang kumpirmasyon,” paliwanag ni Confiado.

Nagkakilala sina Veneracion at Governor Mangudadatu nang mangampanya ang aktres sa kandidatura ng gobernador sa Maguindanao.

Sinasabing nagkaibigan ang dalawa at ngayon ay sumasayaw na sa malambing na tunog at tugtog ng musika.

***

Hindi nga nawawalay si Mon sa mga kuwento ng Mindanao dahil kasama siya sa “Tsardyer” na opisyal na lahok ni Longponggols Collective at Cinema One Originals para sa 2010 Cinema One Originals Film Festival na kasalukuyang ginaganap sa Shang Cineplex sa Mandaluyong City.

Miyembro ng peryodismo si Confiado sa pelikula na kasama ni Dimples Romana na gumaganap na isang lady journalist na parang si Ces Oreña-Drilon.

Kinakantiyawan si Mon na mahilig siya sa mga bagay na may kaugnayan sa Mindanao.

Ngayon ay katrayanggulo naman siya nina Ynez at Mangudadatu na ang lugar din ay Maguindanao habang kasama siya sa pelikulang tumatalakay sa naghihikahos na buhay ng Mindanao.

REY “PJ” ABELLANA, NALULUNGKOT SA PAGKABILANGGO NI PATRICK DE LA ROSA

Nalulungkot si Rey “PJ” Abellana sa trahedyang naganap kay Patrick de la Rosa na nakabilanggo ngayon sa kasong panggagahasa.

Magkasama bilang mga Liberty Boys sina Rey at Patrick kasama sina Lito Pimentel at Edgar Mande.

Idinadalangin ni PJ na malagpasan ng kanyang kaibigan ang matinding pagsubok sa kanyang buhay ngayon.

Samantala, ayaw tanggapin ni Abellana na may opisyal nang relasyon ang kanyang anak na si Carla at ang katambal nito sa pelikula’t telebisyon na si Geoff Eigenmann.

“Ang pakialam ko lang ay ang anak ko,” pahayag ni Rey sa peryodisyang pampelikulang si Reyma Buan-Deveza pero hindi naman ibig sabihin nito ay masama ang kanyang loob sa anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa.

Marami nga ang nagsasabi na syota na ni Geoff si Carla pero haharapin muna niya ani PJ ang kanyang anak para itanong kung ano ang totoo.

Matagal nang hindi nagkikita at nagkakausap ang mag-amang Abellana.

***

Bibigyan ng Cinema One Originals ng pagkilala at tribute ang mga batikan at beteranong filmmaker na sina Celso Ad Castillo at Danny Zialcita sa pagdiriwang ng 2010 Cinema One Originals Film Festival sa Linggo, ika-14 ng Nobyembre, 2010 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kung saan gaganapin ang awards night ng pestibal.

Kinikilala ng Cinema One sa pamamagitan ng pinuno nitong si Ronald Arguelles sina Celso at Danny dahil sa di-matingkalang kontribusyon nito sa kasaysayan ng industriya ng pelikulang Filipino.

Masasakitin na si Castillo pero pinaglalabanan niya ang masamang banta ng kanyang pisikal na sistema dahil ang kanyang sining ang kanyang panlaban sa trahedya.

Si Danny naman ay nakaistar sa kanyang tahanan sa Mandaluyong City at kapiling ang musa ng pelikula.

RICO J. PUNO, PATULOY NA TINUTUTUKAN NG MTRCB

Kahit nakatutok ang Movie and Television Review and Classification Board kay Rico J. Puno sa “Pilipinas Win na Win” ng ABS-CBN, mukhang nagkakaunawaan ang TV host at ang bagong tagapangulo ng MTRCB na si Mary Grace Poe-Llamanzares.

Ayon sa beteranong broadcast practitioner na si Perry Pimentel ng SFX Productions na matagal na naglingkod sa Broadcast City ng Channel 2, 9 at 13 ng panahon ng Martial Law, nang nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr. ay bigla nitong ipinatawag si Rico para siya ay kantahan at magkabati sila ni Susan Roces.

Pero hindi ito makakaapekto sa pasya ni Mary Grace bilang tagapangulo ng sensura sa bansa.

May sarili siyang pamantayan at panuntunan sa buhay.

At si Puno naman ay binabantayan din ang kanyang sarili sa mga bagay at salitang bibitiwan niya sa harap ng kamera para hindi malagay sa alanganin sa MTRCB dahil sa kanyang imaheng maginoong bastos. Boy Villasanta

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply