Morong 43, Palayain Na!

Nung Sabado ay sumama ako sa iba’t ibang grupong nag-motoracade papunta sa Camp Bagong Diwa sa Taguig para bisitahin ang dalawang doktor, isang nars, dalawang midwife at 38 community health workers na tinaguriang Morong 43.

Ang Morong 43 ay inaresto ng walang warrant of arrest habang naglulunsad ng treyning medikal sa Tanay noong Pebrero 2009 . Matapos ang limang araw na ilegal na detensyon, sinampahan  sila ng gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives at diumano’y paglabag sa ban ng COMELEC sa pagdadala ng armas sa panahon ng eleksyon. Sila ay pinahirapan at tinakot at ilan sa mga babae ay dumanas ng sekswal na pang-aabuso.

Dalawa sa kanila ay buntis nang inaresto,  nanganak na at ngayon ay nasa ilalim ng hospital arrest sa Philippine General Hospital.  Ang 5 naman ay nakapiit sa kampo militar sa Tanay matapos ang matinding tortyur at pagpilit sa kanilang umamin na sila ay NPA.

Sa inabot na pahirap at inhustisya ng Morong 43, akala ko ang madaratnan ko sa kampo ay kawalan ng pag-asa. Pero kabaligtaran ang aking nakita.

Masigla sila at punung-puno ng kagustuhan na lumaya para ipagpatuloy ang kanilang kawanggawa at pagbibigay sesrbisyo sa mga mahihirap.

Hiwalay ang selda ng mga babae sa lalake. Una naming pinuntahan ang selda ng mga kalalakihan at dito nagpasalamat sila sa lahat ng sumusuporta para manawagan sa kanilang paglaya. Sinabi nilang kahit sila ay nakakulong, nagbibigay sila ng serbisyong medikal  sa mga iba pang kapwa detinido sa kampo.

Sumunod na binisita ng grupo ang mga kababaihan.  Naghanda sila ng programa ng mga kanta, sayaw at dula para ipakita ang kanilang sitwasyon at adhikain ng pagbabago sa ating bayan tungo sa lubos na pagkalinga sa kalusugan ng taumbayan. Kahanga-hanga ang mga kaba-baihang itong di na lang nagkasya sa pag-aaruga sa sariling pamilya pero pinili ding maglingkod sa kapwa at sa bayan.

Talagang natatangi ang Morong 43 dahil pinili nilang patuloy na magserbisyo dito mismo sa mga mahihirap na komunidad sa Pinas sa halip na lumabas ng bansa para kumita ng malaki. Di nila pinagpalit ang piso sa dolyar.
Baka nga madalas manok, isda at gulay lang ang ibinabayad sa kanila.

Mahirap maging pampublikong doktor, nars o community health worker sa ating bansa sa kalagayang maliit ang budget na parang ispageting pababa ng pababa taun-taon  Mababa ang kanilang sweldo at kulang ang benepisyo.

Kulang na kulang din ang mga pampublikong ospital at pasilidad.

Ang problema sa ating gobyerno, pamula pa nuong panahon ni Marcos, kung matino ka at nagsasakripisyo para sa mahihirap at sa bayan, tatawagin kang komu-nista at terorista na dapat arestuhin at ikulong.  Sa totoo lang, sila ang kara-pat-dapat parangalan bilang mga bagong bayani.

Sana ay dinggin ng gobyerno ang uma-alingawngaw na pa-nawagan sa loob at labas ng bansa na palayain ang Morong 43 at lahat ng 388 na bilanggong pulitikal. Sana ay tularan ni PNoy ang kanyang inang si Cory na pinalaya ang mga bilanggong pulitikal matapos ang EDSA Uno na nagluklok sa kanya.

Nasa kamay ni Pnoy ang desisyong palayain ang Morong 43. Liza Maza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply