Most wanted fugitive arestado

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang OFW na kabilang sa Philippine Most Wanted dahil sa patung-patong na kaso ng kidnap for ransom,carnapping.

Halos 10 taon ding nagtago sa bansang Rome,Italy at dumaan ng Singapore bago bumalik ng bansa ang suspek na si Rolando Fajardo.

Si Fajardo ay lulan ng Singapore Airlines SQ-910 flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).Hindi na ito nakapalag pa sa mga ahente ng NBI dahil may nakakabit pang palascomy bag sa kanyang tagiliran.

Ayon kay NBI Dir. Magtanggol Gatdula, may 10 warrant of arrest laban kay Fajardo at karamihan sa mga ito ay inilabas ng korte noon pang 1990, bago tumakas papalabas ng bansa ang mga miyembro ng Fajardo kidnapping syndicate mula sa Southern Luzon.

May patong din sa ulo ang suspek na aabot ng P1-million dahil sa mga kaso ng kidnap for ransom (KRF) at carnapping.

Ang pagkakaaresto ni Fajardo ay matapos na itawag ng mga awtoridad sa Europe ang pagbabalik nito sa Pinas kaya madali itong nadakma ng NBI.

Sa panayam ng media,sinabi ni Fajardo na nagpasya itong umuwi ng bansa sa pag-asang mabibigyan siya ng sapat na pagkakataon ngayong bago na ang pangulo ng ating bansa para mapakinggan ang kaniyang panig ukol sa kasong kinakaharap.

Bukod sa suspek, sinabi ni Gatdula na malapit na ring maaresto ang kapatid ni Rolando na si Harold Fajardo na nahaharap din sa kaparehong mga kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply