MPD full alert sa pagdating ni Clinton

NASA full alert status nga-yon ang Manila Police District (MPD) para sa pagdating ni dating US President Bill Clinton, na magsasalita ngayon sa Manila Hotel tungkol sa topikong globalization.

Ang paghihigpit sa seguridad ay ginawa sa gitna ng mga ulat ng terrorist  threats sa Metro Manila.

Tumangging magbigay ng detalye si Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Roberto Rongavilla hinggil sa inilatag nilang security measures para sa pagdating ni Clinton.

“Rest assured that the Manila Police District is ready and prepared for Clinton’s scheduled talk at Manila Hotel tomorrow,” sabi ni Rongavilla kahapon.

Aniya,inaasahan na nila ang pagra-rally ng ilang mi-litanteng grupo malapit sa Manila Hotel kung kaya nagtalaga na ito ng mga pulis na magbibigay seguridad sa nasabing hotel.

Magpapakalat din ng maraming pulis, mga K9 units at checkpoints sa kahabaan ng Roxas blvd. at T.M. Kalaw, na mga kalyeng malapit sa Manila Hotel. Jocelyn Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply