Mukha ni Maquiling basag kay Servania

BINASAG ng Ilonggong si Genesis Servania ang mukha ng katunggali niyang si Alvin Maquiling at nagtamo ng unanimous decision sa main event ng Summit Fight Night Boxing Tour sa Island City Mall Car Park sa Tagbilaran City, Bohol.

Ginamit ni Servania ang kanyang mabibilis na kanang jabs laban kay Maquiling kaya hindi nakaporma ang hooks ng huli.

Ang scores ay nauwi sa 96-94, 97-93 at 97-93.

Samantala, si Ricky Sismundo ay ginulpi rin si Rufino Mante ng Tagbilaran City habang si Zaldy Aroa ng Bantayan Island ay umiskor ng dalawang knockdowns sa round one hanggang sa mauwi ang laban sa decision kung saan nanalo siya laban kay Anthony Galigao sa flyweight contest.

Si mini-flyweight Jade Yagahon ay nagtamo naman ng 5th round TKO laban kay Jefferson Reodeque ng Tagbilaran City habang si Jomar Cordinillo ay dinurog si Roel Garcia sa isa pang mini-flyweight bout. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply