Nagpaulan ang RoS kontra Beermen

Pinabagsak ng Rain or Shine ang nangungunang San Miguel Beer sa iskor na 110-107 tungo sa pag-aakyat sa pang-apat na pwesto sa 10-team standing ng PBA Philippine  Cup.

Maganda ang iniwang panalo ni Solomon Mercado sa Elasto Painters bago magtungo sa Asian Games sa Guangzhou China kasama ang national team sa pagbubuslo ng 26 points.

Kasama ni Mercado si Dough Kramer na nahirang na co-best players of the game kasunod ng 19 puntos na ibinuslo ni Kramer sa pagbibigay ng unang talo sa koponan ni coach Ato Agustin bilang strategists ng pinapaborang San Miguel franchise.

Tinalo naman ng Talk n’ Text ang palabang Barako Bulls Energy Booster sa manipis na 84-83 sa main game para muling pantayan ang San Miguel sa 6-2 win-loss slate.

Ihahandog ng PBA sa Big Dome sa Miyerkules ang banggaang Air21 Express at Derby Ace Llamados na susundan ng engkwentro ng dumadausdos na Alaska Aces at Powerade Tigers.   RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply