Nagsaradong Shell stations, 42 na

NADAGDAGAN pa ang nagsarang bilang ng Pilipinas Shell retail gas station dahil sa kawalan ng delivery ng produktong petrolyo.

Kinumpirma ng Pilipinas Shell na nasa 42 ng gas station sa Metro Manila pati na ilang karatig lalawigan ang wala ng operasyon nang itigil ang operasyon ng ginagamit nilang pipeline na pag-aari ng First Philippine Industrial Corporation ng pamilya Lopez.

Bukod naman sa Pilipinas Shell, problemado rin sa pagsu-supply sa kanilang mga gas stations ang Chevron dahil kasama sila ng Shell sa paggamit ng naturang pipeline.

Nilinaw namang muli ng Department of Energy (DoE) na hindi ang kakapusan sa produktong petrolyo ang problema sa pagsasara ng mga retail stations dahil sapat naman ang supply ng produktong petrolyo sa bansa.

Umaasa ang DoE na ang exemption sa truck ban ng mga fuel tanker ng Shell at Chevron ay makakatulong upang matugunan ang pagde-deliver ng produktong petrolyo sa kani-kanilang mga retail stations.

Bukod naman ito sa pina-igting na pagdedeliver ng Petron Corporations sa kanilang mga retail stations upang hindi mabitin ang mga motoristang hindi makapagpakarga ng petrolyo sa kanilang sasakyan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply