NAIA employees sabit sa Bundol Gang operation?

ISASAILALIM sa masusing imbestigasyon  ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilang kawani ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na posibleng sangkot sa sindikato ng “Bundol Gang.”

Ayon kay  NCRPO director Chief Supt. Nicanor Bartolome, posibleng may kasabwat sa paliparan ang Bundol Gang dahil kumukuha ng tips ang mga ito kung sino ang bibiktimahin.

Naniniwala si Bartolome na malapit na nilang malansag ang sindikato matapos ang pagkakaaresto sa sinasabing lider nito na si Allan Aristorenas at tatlong kasamahan nito.

Matatandaan na nitong Martes ng hapon ay bumagsak sa kamay ng pulisya ang lider ng “Bundol Gang” na may kagagawan sa sunod-sunod na pagtangay sa sasakyan at personal na gamit ng kanilang mga biktima matapos matunton sa kanilang hideout sa Pasay City.

Kinilala ni  Bartolome ang nadakip na lider na si Allan Aristorenas at isa pa niyang kasama na si Robert Banzon na nadakip sa Tramo st., matapos inguso ng dalawa nilang kasama na unang nahuli matapos bumangga at bumaligtad sa West Service Road sa Paranaque City.

Sinabi ni Bartolome na dalawa pang miyembro ng grupo ang tinutugis ng pinagsanib na puwersa ng Regional Police Inteligence Operations Unit (RPIOU), Parañaque, Pasay at Makati police na sangkot sa iligal na aktibidad matapos na kilalanin din ang dalawa pa nilang kasama na sina  Felimon Borillo at Jeffrey Martinez.

Nabawi naman ng pulisya kina Aristorenas at Banzon ang isang itim na Nissan Safari (UAN-553) at isang Toyota Fortuner na walang plaka, na kabilang sa na-carjack habang isa pang kulay puting Ford Everest ang nabawi rin sa Arguilles st., Brgy. Pio del Pilar, Makati City na nakita pang hinihila ng isang berdeng Nissan Patrol bago iniwan matapos mapatid ang lubid na panghila.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply