Nakulitan sa demands ng inang manager: Heart Evangelista, natsugi sa ‘Tanging Ina’

TSINUGI na nga si Heart Evangelista sa Tanging Ina dahil sa pagiging pasaway nito at naging sakit ng ulo ng direktor at producer ng pelikula.  Maganda pa naman sana ang role na gagampanan dito ni Heart.

Simula nga nang mag-iba ng manager si Heart at mismong  ang kanyang ina ang nagma-manage ng career nito mula nang umalis ito sa poder ni Annabelle Rama, nag-iba na ang takbo ng kondisyones ng ina ni Heart.

Ayon sa aming tsismosang kapitbahay,  maraming demands ang bagong manager na ina ni Heart sa career nito kapag may offer na project.

Katulad na lang sa Tanging Ina,  ang inang manager naman nito ang itinuturong dahilan kung bakit natsugi si Heart. Masyado raw demanding itong ina ni Heart kaya naman ikinaloka ng prodyuser at direktor sa pagiging sakit ng ulo nito ngayon.

Kaya raw nade-delay ang shoot ng Tanging Ina dahilan sa demand ng ina na pupuwede na raw sanang i-grab ni Heart ang project. Gusto ng inang manager ni Heart na ang shooting na kukunan kay Heart ay till 9 p.m. lang.

Kaya naman ikinaloka ng staff, crew, producer at direktor ang demands ng bagong manager ni Heart.

Kalusugan daw ng anak na si Heart ang iniisip nito kaya may limit na ng pagso-shooting nito na hindi tulad dati na talagang puyatan at umagahan ang taping at shooting.

‘Yun na! (Di matulog na lang siya ng matulog, wag na lang mag-taping o mag-shooting—ED)

JANELLE, NAGHAHABOL KAY JORDAN HERRERA

HINDI na nga pinapaluwas ng Pilipinas ng orig na misis ni Jordan Herrera ang kanyang mister at nahuhumaling daw ito sa dating co-host ng Wowowee na si Janelle.

Gracevious daw kasi kapag nandito sa Pinas si Jordan, as in, ayaw na nitong bumalik sa Tate.

Masyado raw enjoy na enjoy sa piling ni Janelle itong si Jordan at tinanong nga si Jordan kung sino ba ang mas mahal niya ang asawa na nasa Tate o si Janelle.

Gulantang naman ang mga press pipol sa sagot ni Jordan na pareho raw nitong mahal ang kanyang orig na asawa at itong si Janelle.

Lungkot-lungkutan naman daw ang drama ni Janelle ngayon dahil matagal na rin daw silang hindi nagkikita dito sa Pinas.

Ayon naman sa ating tsismosang kapitbahay ay talaga nga raw hindi na pinapauwi rito sa Pinas si Jordan.

Nakarating na yata sa esmi ni Jordan ang relasyon nina Janelle kaya  tinutulan at pinigil na ng esmi ni Jordan sa Tate na papuntahin pa rito sa Pinas para raw maiwasan na nito si Janelle na magkita pa sila.

Dagdag sitsit pa ng aming tsismosang kapitbahay na ultimo ang sim number ay pinagpapalitan na ng dyowa ni Jordan.

Kaya putol na at pinutol na ng tuluyan ang communications nina Jordan at Janelle.

Ay, wawa naman si Janelle.

Abangan!

CELINE AT MYKO SUNTAY, MAY GOOD CHEMISTRY

Iba naman ang arrive nitong sina Celine Suntay at Myko Suntay kapag nag-host na ng isang event na kung saan ay talaga naman makikita mo ang good chemistry sa dalawa.

Bukod sa mahuhusay na performers itong sina Celine at Myko ay mahuhusay din silang mga broadcaster para sa kanilang radio show na Kaibigan Muska sa DWDD 11.34khz AFP Station.

Hindi rin pahuhuli sa pagkanta at pagsayaw itong sina Celine at Myko kaya naman kapag may show ang Kaibigan Muska ay may mga dagsa na mga fans o tagahanga silang dalawa.

Kitang-kita ang good chemistry sa dalawa kapag magkasama na sa mga show kaya naman may plano ang TOP na pagsamahin ang dalawa sa iisang show.

Kaya  sa nalalapit na 8th Children’s Power ay inaabang- abangan naman itong Kaibigan Muska at itong may good chemistry na sina Celine at Myko. Jovy Lloza

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply