Nang-onse sa partihan, itinumba sa Pasay

PANGGUGULANG sa nakulimbat na salapi ang tinitingnang motibo sa pagpatay sa isang kilalang pusakal na holdaper, kamakalawang gabi, sa Pasay  City.

Patay na nang dalhin sa Pasay City General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Richard Arnea, 25, binata, miyembro ng Batang City Jail Gang at residente ng 704 B-44, Apelo Cruz st., Brgy. Malibay, sa naturang lungsod.

Tumakas ang salarin makaraan ang ginawang pamamaril sa biktima dakong alas-9:00 ng gabi patungo sa kanto ng EDSA at Apelo Cruz st., ilang metro  ang layo mula sa bahay ng napatay.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Allan Valdez, ilang ulit nang naglabas-pasok sa bilangguan si Arnea bunga ng mga kinakaharap na kasong panghoholdap, panghahablot at pagbibitbit ng patalim.

Napag-alaman na binukulan ni Arnea ang mga kasama sa pandarambong matapos tangayin pa nito pati ang parte na dapat ibahagi sa kapwa holdaper, kaya posibleng ginantihan ito ng mga kasamahan. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply