Navotas 12 oras mawawalan ng tubig

MAWAWALAN ng supply ng tubig ng 12 oras ang ilang lugar sa Navotas City sa northern Metro Manila.

Ayon sa Maynilad Water,  tatagal ang water interruption mula 8 p.m. ng Miyerkules hanggang  8 a.m. ng Huwebes.

Hinggil umano ito sa pagpapalit ng 450-mm butterfly valve sa North Bay Boulevard corner Lapu-Lapu Avenue sa Navotas City.

“The project will temporarily affect water service in North Bay Boulevard and Bangkulasi villages,” base sa anunsyo ng Maynilad.

Pinapayuhan ang mga residente ng naturang lugar na mag-imbak ng sapat na tubig na sasapat hanggang 12 oras.

Maaari ring tumawag sa Maynilad Hotline 1626 para sa mga updates at karagdagang impormasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply