Navotas nagbabala sa mga substandard na Christmas lights

“ HUWAG matukso sa murang presyo ng mga substandard na  Christmas lights at baka maging malaki ang kapalit nito”.

Ito ang paalala ni Navotas Mayor John Rey Tiangco sa mga kababayan matapos maglabasan sa mga pamilihan ang mga substandard na christmas lights ngayon na nalalapit na naman ang Kapaskuhan.

Dahil dito, inatasan ni Tiangco ang Business Permit and Licensing Office at ang Task Force Disiplina  na manmanan ang lahat ng tindahan at palengke upang walang makalusot na nagtitinda ng mga “poor quality Christmas lights”, at iba pang electrical decorations.

Binalaan din ng alkalde ang mga negosyante na mahuhuling nagbebenta ng mga ganitong Christmas lights, na hindi magdadalawang-isip ang lokal na pamahalaan na sampahan ang mga ito ng kaukulang kaso, na posible ring maging dahilan upang matanggalan ang mga ito ng lisensiya.

Maging ang lahat ng department heads ng City Hall ay pinaalalahanan ni Tiangco na huwag gumamit ng mga substandard na Christmas lights ngayong nalalapit na kapaskuhan. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply