Navoteños magkakaisa laban sa droga

Pormal na magsasagawa nang malawakang kampanya ang lokal na pamahalaan ng Navotas upang tuluyang masugpo ang problema sa ipinagbabawal na droga na labis na nakasisira sa buhay ng mga kabataan.

Nabatid kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, isang linggong magkakaroon ng programa ang lokal na pamahalaan upang ipaalala sa mga residente ang mga masasamang epekto ng droga.

Ayon pa sa alkalde  bukod sa pagkakaroon ng Rock Rockan Kontra Droga ay magdaraos din ng Inter-School Sports Tournament kabilang na ang mga larong basketball, volleyball, chess at table tennis sa November 15 habang magkakaroon din ng Inter-School Painting and Poster Making Contest sa November 16, habang gaganapin naman ang Hataw Sayaw Kontra Droga sa November 19, taong kasalukyan.

Pangungunahan mismo ni Tiangco ang gaganaping selebrasyon kasama ang iba pang lokal na opisyal at ang Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) kung saan ay tumatayong chairman ang alkalde.

Sinabi pa nito, na libreng mapapanood ng mga residente ang mga bandang Kamikaze, Rocksteady, Aegis at iba pa sa Navotas Centennial Park ganap na alas 6:00 ng gabi sa darating na November 26 bilang pagpapa-alala sa mga residente sa masamang naidudulot ng droga kasabay sa pagdiriwang ng drug awareness week na may temang “Think Health Not Drugs.” (Roger Panizal)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply