Nene pinagtangkaan ng kapitbahay

Arestado ang isang karpintero sa balak na panghahalay sa dalawang batang babae nang ipanood sa mga ito ang sex video na nakalagay sa cellphone nito saka nagyaya sa banyo sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Domingo Desder, 33, ng Baltazar st., ng lungsod.

Sa pahayag ng pitong taong gulang na biktima, dakong alas-12:00 ng tanghali, kalaro nito ang isang bata malapit sa kanilang tahanan nang lapitan ng suspek at sinabihan na panoorin ang video na nakalagay sa kanyang cellphone.

Matapos mapanood ay niyaya ng suspek ang biktima sa isang banyo subalit tumanggi ang bata at umuwi saka nagsumbong sa kanyang ama.

Nang malaman ang kalaswaan na nais mangyari ng suspek ay nagsadya sa barangay ang tatay ng bata at pinahuli ang naturang kapitbahay. (Rene Manahan)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply