Next opponent ni Pacman, idadaan sa online voting

APAT sa mga pinakabigating boksingero sa mundo ngayon ang pinagpipilian ni Top Rank Promotions President Bob Arum na susunod na makakalaban ni WBC super welterweight champion Manny Pacquiao.

Maraming samu’t saring lumalabas na balita na ang susunod na makakalaban ni Pacquiao ay sina dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr., WBO/WBA lighweight champion Juan Manuel Marquez, middleweight champion Sergio Martinez, WBC welterweight champion Andrea Berto at WBA welterweight champion Sugar “Shane” Mosley.

Pero sa nagpapatuloy na online voting sa kung sino ang gustong makalaban ni Pacman, lumalabas ang pangalan ni Floyd Jr.

Sa halos, 2,500 na online voters may 57.5 percent si Mayweather, habang si Marquez ay mayroong 21.3 percent.

Ang 156 pounder champion na si Martinez ay 8.5 percent lamang ang pag-asang makalaban si Pacquiao at 8.2 percent sa Haitian-American na si Berto.

Si Sugar Shane naman ay nasa 3.7 percent ang tiyansang makaharap umano ang pound-for-pound king.

Pero una nang sinabi ni Arum na ihahayag at tatalakayin panila ni Pacquiao ang posibleng next opponent nito sa kanyang pagpunta sa bansa sa susunod na buwan para dumalo sa ika-32 kaarawan ng Sarangani representative.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply