Nilalangaw na bangkay ng 2 lalaki natagpuan

UMAALINGASAW na nang matagpuan ang mga bangkay ng dalawang lalaking hindi pa nakikilala kamakalawa ng umaga sa Cavite City. Ang isa sa mga ito ay hinihinalang biktima ng summary execution.

Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Cavite provincial police director Senior Supt. Danilo Maligalig, ang unang bangkay ay natagpuan sa Pasong Halang Bridge, Brgy. Banaybanay sa bayan ng Amadeo na nakadapa sa isang madamong lugar at may tama ng bala sa mukha.

Tinatayang nasa edad na mula 32 hanggang 34, may taas na 5’2”, nakasuot ng blue sweat shirt, short camouflage at walang sapin sa paa.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Liberato Buladas, dakong 6:30 ng umaga nang makatanggap ang kanilang himpilan ng tawag ukol sa nakitang bangkay ng lalaki na halos nilalangaw na.

Kasunod nito, isang bangkay ng hindi rin nakilalang lalaki ang natagpuan sa Bagong Pook, San Antonio, Cavite City, bandang 10:30 ng umaga na maraming tama ng bala sa ulo at burdado ng saksak sa katawan at leeg.

Ang biktima ay may tattoo sa kaliwang balikat na “Mark Reyes,” sa kanang balikat ay “Barako” at sa kaliwang hita ay mukha ni Hesu-Kristo. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply