Ninoy murder ipinatutungkab sa Truth Commission

DAHIL hindi pa rin nakakamit  ng pamilyang Aquino ang hustisya sa pagkamatay ni dating Senador Benigno  “Ninoy” Aquino  ay pabor naman ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na muling bumuo ng isang Truth Commission upang magkaroon ng re-investigation  sa kaso.

Sinabi ni VACC president  Dante Jimenez,sa ginanap na pulong balitaan sa Tonio’s Grill sa Bustillos na dapat na ikonsidera ni PNoy ang pagbuo ng Truth Commission.

“Dapat hanapin niya ang mastermind in the killings of his father”,ayon kay Jimenez.

Ito umano ay dahil ang ilan sa mga sundalong nakulong aya wala naming kinalaman sa ginawang pagpaslang kay Ninoy sa Tarmac noong Agosto 23,1983.

“I’m still disappointed ,hindi pa rin nakikilala ang mastermind until now,tapos yong mga Marcos nakabalik pa sa puwesto ngayon”,ayon kay Jimenez.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin aniya nakakamit ng pamilya Aquino ang hustisya na matagal na nilang inaasam  kung saan may 27 taong nang nakalilipas . Jocelyn Tabangcura Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply