Nogueira titirik kay Ortiz

Nakahanda na si Light heavyweight Tito Ortiz (15-8-1 MMA, 14-8-1 UFC) na harapin sa octagon si Rogerio Nogueira (19-4 MMA, 2-1 UFC) na maaaring ilapat sa UFC 128.

Kinumpirma na rin ni UFC president Dana White mula sa Dusseldorf, Germany na ang tinaguriang “The Huntington Beach Bad Boy” na si Ortiz ay sasagupa nga kay Nogueira sa March 2011.

Subalit sinabi naman ni UFC U.K. president Marshall Zelaznik na ang March event sa UFC 128 ay maaaring ikasa sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Sinabi naman ni Ortiz na gagawin niya ang lahat upang madurog si Nogueira na matagal na rin niyang gustong makalaban.

Nagpahayag din si Ortiz na nakabawi na siya sa kanyang huling UFC 121 decision loss kay Matt Hamill kung saan ang dating kampeon at “The Ultimate Fighter 3” coach ay wala pang panalo sa huling limang laban. (Gilbert Perdez)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply