Nora Aunor, sa March 2011 pa ang uwi ayon kay Ian de Leon

LAGING magkasama ngayon sina Ian de Leon, ang nag-iisang anak na tunay nina Nora Aunor at Christopher de Leon at Zeny Marcelo-Poe, ang butihing balo ni Conrad Poe.

Tinutulungan ni Zeny si Ian sa maraming bagay at parang ina-inahan na rin ng aktor beteranang international actress at make-up artist ng mga tanyag na banyagang bituin.

Dati ring taga-make ng mga artista ni Eddie Ilarde si Marcelo-Poe kaya marami na siyang kadikit na artista noon at ngayon.

Magkapitbahay din sina Ian at Zeny sa may hangganan ng Parañaque City at Las Piñas City kaya hindi nagkakalayo ang kanilang distansiya.

Laging sa Japanese restaurant ni Zeny kumakain si de Leon kaya maraming kuwento ang batang aktor sa bihasang alagad ng sining sa pagpapaganda.

Natuklasan nga ni Zeny na hindi ngayong taong ito uuwi si Nora mula sa Estados Unidos kundi sa 2011.

“Baka raw sa March next year ang balik ni Nora. Tiyak ‘yan, magsasaya na ang fans ni Guy,” pahayag ni Marcelo-Poe.

***

Nalaman din ni Zeny na laging bumibisita si Ian kina Lotlot de Leon at Matet de Leon. Sa Antipolo City nakatira si Matet samantalang sa may Marikina naman nakaistar si Lotlot.

Dinala na ni Ian ang kanyang mga kapatid na sina Kenneth at Kiko de Leon sa kanyang mga kapatid para may makatulong ang mga ito dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa at sila ang nagsusuportahan sa buhay na ito.

Sa kabila ng pagiging abala ni Ian sa kanyang pagganap sa pelikula at telebisyon, nasa negosyo rin siya at puspusan ang kanyang pagpapakadalubhasa sa larangang ito.

Matagal na palang hiwalay sina Ian at Izza Vicente at ngayon ay may iba nang syota ang mahusay na bituin.

***

Hindi naman dulama sa awards night ng 2010 Cinema One Originals Film Festival sa Dolphy Theater ng ABS-CBN si Ronnie Lazaro na bida sa pelikulang “Ishmael,” ang isa sa mahahalagang lahok sa pestibal ngayong taong ito.

Ayon kay Ronnie, may iba siyang natanguang gawain ng gabing ‘yon ng parangal.

Mahusay pa naman siya sa “Ishmael” pero natalo siya ni Pen Medina sa “Layang Bilanggo.”

Nakapagtataka na hindi nagpursiging dumatal si Lazaro sa awards night samantalang napakaaktibo siya sa Cinema One Originals Film Festival.

Ano nga kaya ang tunay na dahilan?

***

Samantala, kahit na bokya si Ria Garcia sa Best Actress at Best Supporting Actress, pinasaya naman siya ng kanyang kabituing si Mark Gil nang magkuwento ang beteranong aktor na napakahusay niya sa kanilang mga eksena sa “Ishmael.”

“She’s a very natural actress,” pagpuri ni Mark na ikinagalak ni Ria at ikinatangos naman ng ilong ng ina ng aktres na si Puloy Cadayona.

“I was very elated. It was more than an award,” pahayag ni Ria sa isang eksklusibong panayam.

Nakahanda si Richard V. Somes, ang direktor nina Ria, Mark at Ronnie na ilunsad si Garcia sa isang solong pelikula.

Naitatanong lang naman—bakit sa tarp na banner ng ika-6 na Cinema One Originals Film Festival ay mas malalaki ang tipo ng letra ng mga pelikulang “Ishmael” at “Tsardyer” kesa sa ibang lahok?

May paboritismo pa si Ronald Arguelles?

“Naku, wala ‘yon. Style lang ‘yon,” tugon ni Arguelles, ang pinuno ng Cinema One, ang movie cable channel ng ABS-CBN.

***

Wala na ngang naghihiwalay sa mga teritoryo ng mga balita sa lahat ng larangan kaya wala nang pagkakaiba ang aliwan sa pulis o ang aliwan sa Malacañang o Kongreso.

Pangunahin sa halimbawa nito ang madalas na pagbabanggit kay Pangulong Noynoy Aquino III na nagdi-date na at kasintahan na niya ang dating syota ni John Lloyd Cruz na si Liz Uy. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply