North, South Korea nagkasundo sa Asiad

NAGING magkasundo ang mga atleta ng nag-iiringang bansa ng  North at South Korea at walang ipinakitang anomang sama ng loob at pagkagalit habang sila’y sumasabak sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Ilang oras matapos ang palitan ng bomba ng magkaribal na bansa, nagkatabi naman ang kanilang nanalong atleta sa podium sa awarding ng women’s individual archery event.

Nasungkit ni Yun Ok-hee ng South Korea ang gold medal habang katabi naman niya ang North Korea’s bronze medalist na si Kwon Un Sil.

Ang pambato ng China na si Cheng Ming ang nagbulsa ng silver medal.

Nagkamay pa ang magkaribal na Korean athletes.

Tumangging magkomentaryo si Yun ng South Korea sa nangyayaring sitwasyon sa kanilang bansa.

Pero sinabi ni Yun na ang kalaban niya na si Kwon ay maganda naman ang kanilang samahan sa kabila ng awayan ng kani-kanilang gobyerno.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply