NPC humiling ng special court para sa Maguindanao massacre case

HUMILING ang samahan ng mamamahayag sa Korte Suprema ng isang espesyal na pagdinig na hahawak sa Maguindanao massacre case upang mapabilis ang pagresolba sa kaso.

Ayon kay National Press Club President Jerry Yap,  ang special court na ito ay magsasagawa ng araw-araw na pagdinig sa naturang kaso, at malaman ang bawat detalye at progreso nito.

“Ang gagawin namin sa NPC, we can file the petition asking the Supreme Court to create a special court sa Maguindanao massacre, kung maaari araw-araw na yan,” ayon kay NPC president Jerry Yap sa isang interview sa dwIZ.

Nakatakdang isampa ang petisyon hapon ng Lunes.

Matatandaang noong Setyembre, hinirang si Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Jocelyn Solis-Reyes upang humawak ng kaso.

Sa kasalukuyan, dinidinig ang naturang kaso isang beses isang linggo sa Bicutan, Taguig City. Nakatakda namang gawing dalawang beses isang linggo ang pagdinig sa buwan ng Disyembre.

Kaugnay nito, lumabas sa survey ng Social Weather Stations na marami pa ring Pilipino ang hindi kuntento sa prosesong ginagawa ng gobyerno sa Maguindanao massacre case.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply