Number Coding Scheme sa mga pampasaherong bus, naipatupad na

NATULOY na ring naipatupad ngayong araw ang Number Coding Scheme ng mga pampasaherong bus.

Ayon kay  Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, dahil sa tigil-pasada na isinagawa ng mga bus operator noong nakaraang Lunes, naunsyami ang implementasyon nito habang holiday naman kahapon.

Dagdag pa ni Tolentino, lumabas naman ngayong araw ang mga pampasaherong bus ngunit nadiskubre nila na ilan sa mga ito ang nasa unahan lang ang plate number at wala ang likod.

Pinag-aaralan na aniya nila ang posibilidad na ipinagamit ang mga plate number sa likod sa ibang unit ng bus para makalusot sa number coding.

Binanggit naman ni Tolentino na hinuli ang mga bus na isa lang ang plate number at inihilera ang mga ito sa North-bound ng EDSA na nagdulot ng matinding trapik.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply