Nurse na biktima ng gang rape sa Maguindanao, makalalabas na ng ospital

NAKATAKDANG makalabas na ng ospital ang volunteer nurse na sinasabing biktima ng gang rape sa South Upi, Maguindanao.

Ayon kay Southern Philippines Medical Center Hospital Director Dr. Leopoldo Vega, bumilis ang recovery ng biktimang si “Florence” matapos ang paralysis sa katawan bunga ng tinamong pinsala sa ulo.
Dagdag pa ni Vega, pinagpaplanuhan na lamang kung saan tutuloy ang biktima kapag tuluyang lumabas ng ospital. Patuloy din silang nakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa seguridad nito.

Samantala, inihayag ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Executive Secretary Naguib Sinarimbo na handa na ang National Bureau of Investigation (NBI) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na kunan ng salaysay si Florence para masampahan ng kaso ang mga nasa likod ng krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply