Nyoy Volante, ayaw pag-usapan ang utang kay Nina

DINUMOG ng press si Nyoy Volante  sa presscon ng concert ni Jovit Baldivino entitled” Faithfully: A Night of First ” na gaganapin sa Aliw Theater sa Saturday, November 13 . Inalam sa kanya kung  ano ang latest sa diumano’y malaking halagang inutang niya sa dati niyang girlfriend na si Nina na hanggang ngayon ay hindi pa raw niya nababayaran. Kaya tuloy daw ang demanda ni Nina kay Nyoy.

“Well, the thing is kasi, kung tuloy pa rin yun, dun na lang yun. Hindi naman siguro dapat  tina-tackle anything that is outside the industry.  Of course right now as far as legal matter is concern, hindi puwedeng sabihin na hindi inaasikaso yun e.” bungad ni Nyoy na magiging Musical Director sa concert ni Jovit.

“Ako I would like to believe, sa nakikita kong development, kasi unang-una hindi rin naman ako yung direct na involve with that e. It is not me. Kaya nga medyo nakaka-depress na palaging nadidiin ako which is hindi naman talaga ako yung involved.”

So sino lang ba ang talagang involved?

“Kasi it’s a transaction between her and my mom,”pag-amin niya. Hindi ba niya alam yung naging transaction ng mom niya at ni Nina? “Well, alam ko what is happening. And I know yung mga technicalities, of course lahat ng basehan na naririnig natin. I know na lang yun e, bits and pieces of the information.

Uulitin ko I would not like to discuss here. Because it does not belong here.  It’s not belong sa media because wala naman tayong maitutulong as far as that is concern. Pagdating na lang nu’ng last moment there, masasabi na talagang tapos na yun or talagang may mas malaking problema, ganun saka na lang natin i-tackle.” tugon ni Nyoy.

Naramdaman ba niya na kahit paano ay nakaapekto sa kanyang carrer ang isyung utang niya kay Nina?

“Oo nga po nandun na ako. Pero I’m the kind of guy na I wanna deal with it positively. So iniiwan ko lang yun dun kung saan yun, kung meron mang lumabas dito sa industry.  I just tell everyone, oo inaasikaso na yun dun.  Tapos dun na lang yun,” aniya pa.

Aminado siyang nakaka-stress din ang isyu sa kanila ni Nina dahil tinatanong  ‘yun ng mga  tao kung ano ba  talaga ang totoo. Nagkakasalubong daw sila pag ASAPXV pero wala naman sa tamang panahon para mag-hi and hello sila sa isa’t isa.

So, nag-iiwasan na lang sila.

STAFF NI WILLIE, HINDI NAGSISISI SA PAGSAMA SA TV5

Walang pinagsisihan ang labing limang dating staff ni Willie Revillame sa Wowowee na sumama sa kanya para maging staff niya sa ‘Willing Willie ng TV5’ na napapanood tuwing 6:30 PM pag Monday to Friday at 5:30 pag Sabado.  Napag-alaman kasi namin na ang bawat isa sa kanila ay binigyan ni Willie ng brand new car at itinaas pa niya ng 20% ang sweldo ng mga ito. At maging ang sampung dancers na tinatawag
ngayong  WW.Girls ay spoiled din  sa Will Productions dahil binigyan rin ng bagong kotse at itinaas din ang suweldo ng mga ito.

Sa  dalawang araw naming panonood ng live sa Willing Willie nu’ng Lunes at Martes, naramdaman namin ang karisma ni Willie pag nagi-interbyu sa mga contestants at napapaiyak. Malambot din ang puso ng tv host pag nakikita niya ang taong nangangailangan. Matuk mo, sinagot niya ang plane tickets ng mag-ina  papunta Amerika dahil magpapagamot  ng scoliosis ‘yung isang bata na American Citizen. Nu’ng Martes naman, ibinigay ni Willie ang Techno-Marine niyang watch at  10 thousand para sa  isang ulilang special child.

Instead na isa lang ang maglaro sa ‘‘Spin A Will’ nu’ng Martes, pinaglaro  niya lahat ‘yung anim na ulila para lahat ay may malaking pera na maiuwi. Umuo naman ‘yung anim.  Ayaw niyang isa lang ang uuwing mananalo at gusto niya lahat ay masaya.

Alam talaga ni Willie kung sino ‘yung mga taong dapat na tulungan ng kanyang programa.

Sobrang generous talaga itong si Willie. Marunong siyang mag-share ng blessings. Kaya naman hindi na kami nagtataka kung bakit patuloy siyang sinuswerte sa kanyang buhay at career.

Bukod sa ‘Willing Willie,’ may niluluto rin siyang bagong show next year para  bigyan ng pagkakataon ang mga batang talentado. Ito’y pinamagatang “Born To Be A Star”. Iba ang magiging treatment niya sa show dahil ang mga contestants ay  bibihisan nila, susunduin ng sasakyan at ipa-pamper nang husto.

Star na star ang dating.

Talbog!

-0o0-

Movie producer na rin ang dating Quezon City councilor na si Antonio “Ariel” Enrile-Inton, Jr.  sa pamamagitan ng AEI Productions .  Ang Babae Sa Sementeryo ang titulo ng prodyus niyang pelikula. Showing ito sa November 10 at may premiere night sa Nov 9 sa SM Block.

Hindi lang horror-suspense thriller  ang pelikulang ito kundi  may social relevance. Tumatalakay rin ito sa  exploitation of women, prostitution, and poverty.

Kasama sa cast ang mga beteranong artista na sina Boots Anson-Roa, Roi Vinzon, Tommy Abuel, Maria Isabel Lopez, Ella Guevarra, Mon Confiado, Roldan Aquino, at Mercedes Cabral.

Itinatampok din dito ang pababalik-pelikula nina Isadora, Jigo Garcia, at Brylle Mondejar.

Nangatog ang mga tuhod  nila sa unang eksena  at feeling kinalawang pero na-enjoy na rin nila.

“Ninety percent ng buong pelikula ay kinunan sa loob ng sementeryo. Wala man kaming naramdamang kakaiba o nakitang mga pangitain, pero ang kaba at takot ay naroon pa rin, especially during the night kunsaan inaabot kami hanggang madaling-araw,” deklara naman ng Director nito na si Neal Tan. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply